KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

big•kís

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Sáma-sámang pagkakatali ng anuman.
Isang bigkís ng kawáyan ang dadalhin niya sa bayan.
TANGKÁS, TUNGKÓS

2. Anumang bagay na nakapagbubuklod.
Ang wika ay bigkís ng pagkakaisa ng isang lahì.
LIGASÓN

3. Tali sa baywang (lalo na sa sanggol) na karaniwang yarì sa tela.
PÁHA

Paglalapi
  • • pagbibigkís, pagkakabigkís, pambigkís: Pangngalan
  • • bigkisán, bigkisín, ibigkís, magbigkís, pagbigkisín: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?