KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pa•na•hón

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Sistema para sa tagal ng pag-iral ng sanlibutan mula sa nakaraan hanggang sa hinaharap na sinusukat sa pamamagitan ng minuto, araw, taon, atbp.
Mabilis lumipas ang panahón.

2. Kung kailan karaniwang nangyayari o dapat mangyari ang anuman.
Panahón na para magbago ka.

3. KASAYSAYAN Bahagi ng kasaysayan na may mahalagang katangian.
Katakot-takot maging subersibo noong panahón ng Kastila.
EDÁD, PERIOD

4. METEOROLOHIYA Tingnan ang wéder
Maaliwalas ang panahón ngayon.

5. Tagal na ikinaganap ng isang pangyayari.
Naghintay siya ng napakatagal na panahón.
ÓRAS

Paglalapi
  • • kapanahúnan, pamanahón, pánahúnan: Pangngalan
  • • kapanahón, napapanahón, pana-panahón: Pang-uri
Idyoma
  • gintô ang panahón
    ➞ Mahalaga ang panahon.
  • masamâ ang panahón
    ➞ Madilim ang langit; malakas ang hangin at ulan.
  • naiíwan ng panahón
    ➞ Hindi umuunlad.
  • nilipásan ng panahón
    ➞ Tumanda na (gaya ng isang tumandang dalaga).
  • sinasapanahón
    ➞ May regla.
  • tagâ sa panahón
    ➞ Káyang tanggapin ang anumang pagsubok; husto sa gulang o karanasan; nasa kalagayang handang-handa.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?