KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ó•ras

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
hora+s
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

1. Isa sa 24 na hatì ng buong isang araw at panahong katumbas ng 60 minuto.
May isang óras ka pa para matapos.

2. Tiyak na panahon sa loob ng isang araw na makikita sa kasangkapan.
Anong óras na?

3. Tingnan ang panahón
Napakabilis ng óras!

Paglalapi
  • • orasán: Pangngalan
  • • orásan: Pandiwa
  • • óras-óras: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?