KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pét•sa

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
fecha
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

1. Partikular na buwan, araw, at taon na pinangyarihan ng anuman.
ÁRAW

2. Alinmang araw sa isang buwan.

Paglalapi
  • • papétsahán, pétsahán: Pandiwa
Idyoma
  • Anóng pétsa na!
    ➞ Bulalas na sinasabi kung napakabagal ng sinuman.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?