KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

Á•raw ng mga Pa•táy

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Panahon ng paggunita ng mga Kristiyano sa mga yumao tuwing 1–2 Nobyembre sa pamamagitan ng misa, pagdalaw at pagbabantay ng puntod, atbp.
UNDÁS

á•raw

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Bituing nása gitna ng sistemang solar na iniinugan ng daigdig at mga ibang planeta.
SOL

2. Panahong mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nitó.

3. Panahon mula 12 ng hatinggabi hanggang kinabukasan sa parehong punto; binubuo ng 24 na oras.
ÁDLAW

4. Ang bawat isa sa pitóng bahagi na bumubuo sa isang linggo na may kani-kaniyang pangalan: Linggo, Lunes, Martes, Miyerkoles, Huwebes, Biyernes, at Sabado.

5. Tingnan ang pétsa

Paglalapi
  • • aráwan, kaarawán, katág-arawán, panág-aráw, pinag-arawán, tag-aráw, talaarawán: Pangngalan
  • • aráw-aráwin, aáraw, ináraw-áraw, magpaáraw, paaráwan, paaráwin, umáraw: Pandiwa
  • • arawán, maáraw, pang-áraw-áraw: Pang-uri
  • • áraw-áraw: Pang-abay
Idyoma
  • nagpaparaán ng áraw
    ➞ Tinatamad at hindi gumagawa ng dapat gawin.
    Ang katulong na nakuha ko ay nagpaparaán ng áraw sa maghapon.
  • nilubugán ng áraw
    ➞ Wala nang pag-asa o nawalan ng pag-asa; matanda na.
    Nilubugán ng áraw ang dalagang naghihintay ng mayamang manliligaw.

Á•raw ng Ka•la•yá•an

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pambansang pagdiriwang ng kasarinlan ng Pilipinas tuwing 12 Hunyo.

Á•raw ng Pag•hu•hu•kóm

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Sa Bibliya, ang araw ng pagpapasiya ni Hesukristo sa kahihinatnan ng sangkatauhan at pagbuhay muli sa lahat ng namatay.

Á•raw ng mga Pu•sò

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pagdiriwang ng pag-ibig at mga magkasintahan tuwing 14 Pebrero.
VALENTINE'S DAY

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?