KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ó•key

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Pinagmulang Salita
okay
Pinagmulang Wika
Ingles
Kahulugan

1. Nauukol sa kalagayang naayos o ipinagtibay na (kung sa isang kahilingan, pagdiriwang, atbp.).
Ókey na ba ang aplikasyon mo sa pautang?
APROBÁDO

2. Kasiya-siya o may sapat na kahusayan.
Ókey naman 'yong mga sagot niya sa interbiyu.
MAGANDÁ, WASTÔ, TAMÀ

Paglalapi
  • • inokéyan, mag-ókey, umókey: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?