KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ta•mà

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pag-ábot ng isang bagay sa isa pa kung itinudla, inihampas, isinaksak, atbp.

2. Tawag din sa pinsalang idinulot nitó.
May tamà siya ng bála sa tagiliran.

Paglalapi
  • • pagtamà: Pangngalan
  • • pagtamáin, pagtamáin , patamáan, patamáin, tamáan, tinamáan, tumamà: Pandiwa

ta•mà

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pagiging wasto o malaya sa kamalian.

Paglalapi
  • • pagtatamà: Pangngalan
  • • itamà, itinamà, magtamà, maitamà, mapagtamà, pagtamáin, tumamà: Pandiwa

ta•mà

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Tingnan ang tumpák
Tamà ang sabi mo.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?