KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

mis•yón

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
mision
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

1. Gawain o hangaring itinakda at kailangang maisakatuparan.
PÁKAY

2. Pangkat ng mga táong sinugo upang gampanan ang isang tiyak na tungkulin.

3. Sa pananampalataya, ang paglilingkod na may layong magpalaganap ng relihiyon.
GAWÁIN, LAYÚNIN

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?