KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ga•wá•in

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
gawâ
Kahulugan

1. Anumang pinagkakaabalahan, ginugugulan ng lakas, o pinaglalaanan ng oras upang matapos.
Hindi siya makapagpahinga dahil sa dami ng gawáing nakabinbin.
AKTIBIDÁD, TUNGKÚLIN, GAWÂ

2. Tingnan ang trabáho

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.