KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

man•tsá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
mancha
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

1. Dumi o bátik na nagpapapangit sa anuman (gaya ng naiiwang kulay ng kalawang o ng dagta ng bungangkahoy sa damit o ang pekas sa balát ng tao).
BÁHID, DÚSING, LÁNIT, MANSÁ

2. Kasiraang-púri ng isang pangalan o angkan.
BATÍK

Paglalapi
  • • magmantsá, mantsahán: Pandiwa
  • • mantsáhin: Pang-uri
Idyoma
  • mantsá sa mukhâ
    ➞ Masamáng pangalan; hindi mabuting rekord.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?