KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bá•hid

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Bakás ng dumi sa anumang bagay na malinis.
BAKÁT, BATÍK, LIBÁG, MANTSÁ, MARKÁ, LÁHID

Paglalapi
  • • bahíran, mabahíran: Pandiwa
Idyoma
  • waláng-báhid
    ➞ Waláng nagawang masamâ.
    Umalis siya sa paglilingkod sa pámahalaán nang waláng-báhid ng anuman ang kaniyang pangalan.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?