KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ma•gi•pít

Bahagi ng Pananalita
Pandiwa
Salitang-ugat
gipít
Kahulugan

1. Mangailangan ng pera.
Madaling magipít ang táong hindi matalino sa paggasta.

2. Masiksik sa masikip na lugar.
Bakâ magipít ang inilagay na aparador sa kuwarto.

3. Magahol sa panahon.
Malayò ang lugar ni Noe bakâ magipít sa oras at mahulí táyo sa pulong.

4. Walang makapitan o matakbuhan.
Hindi ko alam ang gagawin kung dumating ang panahong magipít ako.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.