KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ma•gâ

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Paglaki ng anumang bahagi ng katawan dahil sa impeksiyon o pagkabugbog.
BÚKOL, PASÂ, TAMBÓK, UMBÓK

2. Paglaki ng isang bagay dahil sa pagkabábad sa tubig o anumang likido.

ma•gá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Pangasinán, Ibanág
Kahulugan

Pagkatuyô o pagkaiga.

ma•gâ

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Malaki dahil sa impeksiyon o pagkabugbog.

2. Matambok dahil sa pagkabábad sa tubig.

Paglalapi
  • • pamamagâ: Pangngalan
  • • ikamagâ, mamagâ, pamagaín: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?