KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ma•a•a•sá•han

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Salitang-ugat
ása
Kahulugan

1. Tingnan ang mapagkakatiwaláan
Maaasáhan si Evie sa paghahanda ng ulat ng ating sangay.

2. May kakayahang gumawa nang mahusay at tapusin ito sa isang takdang panahon.

3. Tingnan ang responsáble

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.