KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

res•pon•sáb•le

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. May pananagutan sa anumang bagay o táong ipinagkatiwalang subaybayan, pamahaláan, o pangasiwáan; mapagkakatiwalaan.

2. May kakayahang gampanan ang tiyak na tungkuling iniatang.

3. May pananagutang moral para sa sariling kilos.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.