KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

mit•sá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
mecha
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Sinulid o nilubid na damit ng kandila o kingke na sinisindihan.
LAMBÁL

2. Pulburang papel na sinisindihan sa pagpapaputok ng rebentador, lantaka, atbp.

Paglalapi
  • • mitsáhan: Pangngalan
  • • mitsahán: Pandiwa
Idyoma
  • mitsá ng búhay
    ➞ Bagay o pangyayari na posibleng maging sanhi ng kapahamakan o maagang kamatayan ng isang tao.
    Mitsá ng búhay mo ang iyong pag-alis-alis sa gabí.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?