KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

lam•bál

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagkadikit o pagpipisan ng dalawang bagay.
Lambál ng panapal na kahoy ang ginamit sa bintana.

2. Bagay na idinirikit o ikinakabit.

3. Tingnan ang kambál
Malusog ang lambál ni Juana.

4. Sinulid na dalawahan o doble.

Paglalapi
  • • lambalán, lambalín, paglambá-lambalín: Pandiwa

lam•bál

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Tingnan ang mítsa

lam•bál

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Tingnan ang dalawáhan
Lambál na kílo ang ginamit ko sa bahay.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?