KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

lu•lóng

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagkawili sa gawaing hindi kanais-nais.
ULÓNG

2. Pagkadawit sa isang gawain nang hindi sinasadya.
SUBÒ, ULÓT

Paglalapi
  • • pagkalulóng: Pangngalan
  • • lumulóng, malulóng, mapalulóng: Pandiwa

lu•lóng

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Nawili sa isang gawaing hindi kanais-nais.
Lulóng na sa sugal ang asawa ni Juan.
ÁDIK, GÚMON

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?