KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

su•bó

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Chinese
Kahulugan

1. Sa paggawa ng itak o ibang patalim, ang paglulubog nitó sa tubig habang nagbabága upang tantiyahin ang tigas ng talim.

2. Tingnan ang lagwá

3. Biglang pagkagalit.

Paglalapi
  • • pagsubó: Pangngalan
  • • sumubó: Pandiwa

su•bò

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Paglalagay ng pagkain sa bibig (maging sa sarili, o sa iba).

2. Pagkasuong o pagkakadawit (tulad sa básag-ulo, ang paglusob ng buong tapang).

Paglalapi
  • • pagsubò: Pangngalan
  • • pagsubúin, isinubò, isubò, magpakasubò, magsubò, mapasubò, masubò, subúan, sumubò: Pandiwa
Idyoma
  • napasubò
    ➞ Napalulong sa isang bagay na pinakaiiwasan.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?