KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

lim•bág

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Teksto, larawan, atbp. na ginawa sa papel sa pamamagitan ng mákináng nakapaglalagay ng tinta, gaya ng ginagawa sa mga aklat.
LATHALÀ, PRINT, IMPRÉNTA

Paglalapi
  • • limbágan, manlilimbág, pagkalimbág, paglilimbág, pagpapalimbág, palimbágan: Pangngalan
  • • ilimbág, ipalimbág, limbagín, lumimbág, maglimbág: Pandiwa
  • • nakalimbág: Pang-uri

lim•bág

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Nakalathala para sa publiko.

2. Nakaimprenta.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.