KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

lat•ha•là

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Paglilimbag o pagpapalabas ng mga akda o mga impormasyon para sa publiko.
PAGLALATHALÀ, PÚBLIKASYÓN

2. Anumang akda na nakalimbag, tulad ng aklat, magasin at pahayagan.

3. Paraan ng pagpapakalat o pagpapadami ng impormasyon.

Paglalapi
  • • lathalaán, lathalaín, pagkalathalà, paglalathalà: Pangngalan
  • • ilathalà, ipalathalà, lumathalà, maglathalà, magpalathalà, nilathalà: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.