KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

la•mán

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Anumang nakapaloob sa isang bagay.

2. BIYOLOHIYA Malambot na materyal sa katawan ng mga organikong nilalang, kasáma ang masel at taba.
UNÓD

3. Anak o kamag-anak.
Hindi ko ipagkakanulo ang sarili kong lamán.

4. Karaniwang malambot at kinakaing bahagi ng bungangkahoy, gulay, lamang-ugat, atbp. na kaiba sa butó o balát.

5. Tingnan ang karné

Paglalapi
  • • palamán, kalamnán: Pangngalan
  • • lamanán, magkalamán, maglamán, magpalamán, palamanán : Pandiwa
  • • malamán, pinalamnán : Pang-uri
Idyoma
  • nangangalákal ng lamán
    ➞ Babaeng nagbibili ng panandaliang aliw; nangangalakal ng púri.
  • lamáng kápit sa butó
    ➞ Anak o apo.
  • kináin na patí lamán
    ➞ Pinagsamantalahan kahit kamag-anak.
  • may lamán
    ➞ May nakakubling pasáring o talinghaga sa pahayag.
Tambalan
  • • lamáng-dágat, lamáng-ísip, lamáng-loób, lamáng-lupà, lamáng-ugát, lamáng-tiyán, lamáng-ugátPangngalan

la•mán

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Kahulugan o saysay.
Walang lamán ang kaniyang talumpati.

2. Sinasabi o ipinahahayag (tulad ng sa isang kasulatan).

Paglalapi
  • • nilalamán: Pangngalan
Idyoma
  • punô ng lamán
    ➞ Makahulugan, maraming ibig ipakahulugan.
  • may lamán
    ➞ Nagtataglay ng nakakublíng pasáring o talinghaga sa pahayag.
    May lamán ang mensahe niya at halatang hindi natutuwâ sa pangyayari.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?