KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

kar•né nór•te

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
carne+norte
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

Karneng báka na dumaan sa proseso ng pag-iimbak sa asin.
CORNED BEEF

kar•né a•sá•do

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
carne asado
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

KULINARYO Lutò sa karne na ibinababad sa toyo, kalamansi, asin, at sibuyas bago ihawin at sakâ nilalagyan ng sarsang gawa sa pinagbabáran nitó pagkaluto.

kar•né

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
carne
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

Laman ng anumang hayop na maaaring kainin (tulad ng baboy, báka, atbp.) maliban sa isda.
LAMÁN

Paglalapi
  • • magkarné: Pandiwa
  • • makarné: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?