KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

la•hì

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

ANTROPOLOHIYA Pangkat ng mga tao na iisa ang pinanggalingan, wika, kultura, at kasaysayan.
ANGKÁN, DÁSA, KÚLAY, TRÍBU

Paglalapi
  • • kalahián, kalahì, pálahían: Pangngalan
  • • lahían, lahíin, maglahì, magpalahì, malahían, nilahían: Pandiwa
  • • panlahì : Pang-uri

la•hì

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

ANTROPOLOHIYA Nagmula sa pangkat na may iisang pinanggalingan, wika, kultura, at kasaysayan.
Si Lucia ay láhing Kastila.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?