KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

kú•lay

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Katangian ng liwanag sa anumang bagay na nadadama ng paningin.
Matingkad ang kúlay ng payong niya.
KOLÓR

2. Alinman sa mga ito na napapabílang sa ispektrum, gaya ng bughaw, pulá, at lungtî.
KOLÓR

3. Pigmentasyon ng balát o kutis.
Mamulá-mulá ang kúlay niya.

Paglalapi
  • • pagkukúlay, pangkúlay, pangúlay: Pangngalan
  • • kinuláyan, kuláyan, kumúlay, magkúlay: Pandiwa
  • • kakúlay, kúlay-abó, kúlay-apóy, kúlay-gatas, kúlay-kapé, makúlay, maykúlay: Pang-uri
Idyoma
  • sumamâ ang kúlay ng pag-uúsap
    ➞ Hindi naging maganda ang pag-uusap.
  • nagpakilála ng túnay na kúlay
    ➞ Sinabi ang paninindigan o tunay na ugali.
Tambalan
  • • kúlay-abóPang-uri
  • ➞ Senisado.
  • • kúlay-apóyPang-uri
  • ➞ Matingkad na pulá.
  • • kúlay-kapéPang-uri
  • ➞ Kayumanggi.
  • • sarikúlayPangngalan
  • ➞ May marami o iba't ibang kúlay.

kú•lay

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Tingnan ang lahì

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?