KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

lá•ngit

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Espasyong abot-tanaw sa taas kung nakatapak sa daigdig; bughaw sa karaniwang lagay ng panahon sa umaga at itim naman kung sa gabí.

2. TEOLOHIYA Sa paniniwala ng iba’t ibang relihiyon, pook ng búhay na walang hanggan para sa mga yumaong karapat-dapat dito ayon sa mga panuntunan ng kanilang sinasamba.
KALANGITÁN

3. Lubos na kaligayahang natatamo ng sinuman.

Paglalapi
  • • mapalángit: Pandiwa
Idyoma
  • pinágsaklubán ng lángit at lupà
    ➞ Nasadlak ang isip dahil sa napakalungkot na pangyayari o tinamong kabiguan.
  • parúsa ng lángit
    ➞ Parusa ng Diyos.
  • nagtamó ng lángit
    ➞ Nagtagumpay sa pag-ibig; naging maligaya.
  • nabuksán ang lángit
    ➞ Nagliwanag ang isip, muling lumigaya, o nagkaroon ng pag-asa.
  • naakyát sa lángit
    ➞ Nagtamo ng ligaya.
  • may tinatanáw na lángit
    ➞ May pag-asa.
  • mababà ang lángit
    ➞ Malapit nang umulan; uulan dahil sa kakapalan ng ulap.
  • lángit at lupà
    ➞ Magkaibang-magkaiba; alangan sa isa’t isa.
  • lumurâ sa lángit
    ➞ Bumalik sa nagsasalita ang masamâ niyang sinabi.
  • ikapitóng lángit
    ➞ Pook o kalagayan ng ganap na kaligayahan.
  • katapát ng lángit ang pusalì
    ➞ Lahat ay may katapat.
  • kaloób ng lángit
    ➞ Ibinigay ng Diyos.
  • sumalángit
    ➞ Namatay na.
  • waláng dalawáng lángit
    ➞ Walang kaligayahang tinatamo nang makalawa.
  • waláng tatamuhíng lángit
    ➞ Walang pag-asa.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.