KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ká•wang

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Makitid na espasyo o awang.
SÍWANG, LUWÁG, BITÁK, PUWÁNG

Idyoma
  • káwang ang loób
    ➞ Walang tiwala.

ká•wang

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Hindi lápat o nakaawang.

Paglalapi
  • • pakáwang: Pangngalan
  • • maikáwang, pakawángan: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?