KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

kas•kás

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Mariing paggadgad ng anumang matigas at magalas na bagay sa iba pang matigas na bagay (gaya ng yelo sa gadgarán).
GADGÁD, KÁYOD, KISKÍS

2. Biglaan at matuling takbo.
KARÍMOT, PÚLAS

Paglalapi
  • • kaskaséro, pagkaskás, pangaskás, pangkaskás : Pangngalan
  • • kaskasín, kaskasán, kinaskás, kumaskás, magkaskás, ikaskás: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.