KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ká•yod

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagkuha ng lámang nakadikit sa balát o anumang nakabalot sa bunga sa pamamagitan ng kasangkapang matalim.
KUDKÓD

2. Pagkasugat o pagkatuklap ng balát dahil sa pagkakakaskas sa anumang magalas o matalim.

3. Pagtatrabaho.

Paglalapi
  • • kayurán, pagkáyod, pangkáyod, pangáyod: Pangngalan
  • • kayúran, kayúrin, kináyod, kumáyod, magkáyod: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.