KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ka•sa•rin•lán

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
ka+saríli+an
Kahulugan

1. Pagkakabukod o pagkakahiwalay ng isa sa dáting kasáma.

2. POLITIKA Pag-iral ng isang lipunan o bansa na mayroong sariling pámahalaán at kabuhayan na hindi nakapailalim sa kapangyarihan ng ibang lipunan o bansa.
INDEPENDÉNSIYÁ, KALAYÁAN, SOBERÁNYA

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.