KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ka•sa•na•yán

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
sanáy
Kahulugan

Pagkabihasa o pagkakaroon ng sapat na kaalaman at kakayahan ng sinumang tao sa anumang gawain.
KAHUSÁYAN, KAKAYAHÁN, HIRÁTI, KOMPETÉNSIYÁ

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.