KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hi•rá•ti

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pagkabihasa sa anumang gawain.
Ang hiráti niyang gawin ay ang maglaba ng damit.
KASANAYÁN

Paglalapi
  • • pagkahiráti: Pangngalan
  • • hiratíhin, humiráti, magpahiráti, mahiráti: Pandiwa
  • • pinagkáhiratíhan: Pang-uri

hi•rá•ti

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Sanáy na o hindi na bago kung sa isang gawain o pook.
Hiráti na akó sa mga gawain ng ating tanggápan.
MIHÁSA

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.