KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ká•sa

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
casa
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Pagawaan ng mga sasakyán o iba pang katulad na establisimyento.

2. Tingnan ang báhay-sangláan

3. Lihim na kanlungan ng prostitusyon.

ká•sa

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
casa
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

Isang set ng baraha.

ka•sá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
caza
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Paglalagay ng isang bagay o kasangkapan sa ayós at nakahandang gamítin (gaya ng baril na papuputukin).

2. Pagpusta sa isang laro o sugal.

3. Pagtanggap sa hámon.

ka•sá

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Pinagmulang Salita
caza
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

Nakahanda nang paputukin, tulad ng baril.

Paglalapi
  • • pagkakasá , pagkasá: Pangngalan
  • • ikasá, magkasá : Pandiwa
  • • nakakasá: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.