KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ka•pál

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Súkat ng gilid ng anumang bagay na lapád at buo.

2. Labis na dami ng tao o anumang nagkakatipon.
Di-mahulugang karayom ang kapál ng tao sa palengke kapag bisperas ng Bágong Taon.

Paglalapi
  • • kakapalán, pagkapál, pampakapál: Pangngalan
  • • kapalán, kumapál, magpakapál, mangapál, pakapalán: Pandiwa
  • • makapál: Pang-uri
Idyoma
  • kapálin
    ➞ Táong ipinalalagay na makuwarta.
  • makapál ang mukhâ
    ➞ Walang-hiya.
  • makapál ang bulsá
    ➞ Maraming pera.

ka•pál

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Tingnan ang likhâ

Paglalapi
  • • Maykapál: Pangngalan
  • • kinapál: Pangngalan

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.