KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ka•i•nán

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
káin
Kahulugan

1. Pagsasalo-salo sa pagkain.
May kaínan sa amin mamayang gabí.
HANDÁAN, SÁLUSÁLO

2. Bahagi ng bahay na sadyang laan upang maging kaínan ng mag-anak.

3. Tindahan ng lútong pagkain.
Tumuloy ka na sa may kaínan.
RÉSTORÁN, KOMEDÓR, KARINDERYÁ

Tambalan
  • • silíd-kainánPangngalan
  • ➞ Bahagi ng isang bahay na karaniwang may hapag na laan sa pagkain.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?