KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

han•dá•an

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
handâ
Kahulugan

Pagtitipon na may mga pagkain at inúmin para sa mga panauhing inimbitahan.
Nagpunta akó sa handáan ng kaibigan kong may kaarawan.
HÁTSET, KAINÁN, PARTY, SALUSÁLO

han•da•án

Bahagi ng Pananalita
Pandiwa
Salitang-ugat
handâ
Kahulugan

1. Hainan.
Handaán mo ng pagkain ang bisitang bágong datíng.

2. Paglaanan.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?