KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

kí•tid

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Kaliitan at kakulangan sa luwang o lápad ng karaniwang súkat ng isang bagay.
KÍPOT

Paglalapi
  • • kakitíran, kitíran, mangítid: Pandiwa
  • • makítid: Pang-uri
Idyoma
  • makítid ang noó
    ➞ 1.Hindi marunong kumilala ng katwiran ng ibang tao. 2. Mahina ang isip; hindi matalino.
  • makítid ang pag-iísip
    ➞ Mahirap umunawa; ayaw tumanggap ng paliwanag.

ki•tíd

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

PANGINGISDA Palakayang katulad ng bingwit, lubog ang tagâ at páin hanggang ilalim o lunas ng pinag-uumangan, at nakatali sa pataw na isang putol ng kawáyan.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Mulang mga babaylán hanggang mga bayani ng kasalukuyang panahon, ipinagdiriwang natin ang mga ambag ng kababaihan sa ating kasaysayan at lipunan. Maligayang Buwan ng Kababaihan sa lahat!