KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ki•pót

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Makitid o masikip.
Ang kipót ng kalsadang dinadaanan patúngo sa bayan nina Annie kayâ hindi kasiya ang dalawang sasakyán.

Paglalapi
  • • makípot, mangípot: Pandiwa
  • • pakipót: Pang-uri

kí•pot

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Tingnan ang kítid

2. HEOGRAPIYA Makitid na ilog o dagat na nagdurugtong ng dalawang malaking dagat.
Dinaanan namin ang kípot ng San Juanico nang magtúngo kami sa probinsiya nina Emie.

Paglalapi
  • • kakipútan, pagkípot: Pangngalan
  • • kipútan, kumípot, magpakípot, mangípot, mapakípot, pakipútin: Pandiwa
  • • makípot: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Mulang mga babaylán hanggang mga bayani ng kasalukuyang panahon, ipinagdiriwang natin ang mga ambag ng kababaihan sa ating kasaysayan at lipunan. Maligayang Buwan ng Kababaihan sa lahat!