KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ka•tî

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pain na ikinakabit sa bitag, silo, o sanlong upang mahuli ang manok, labuyo, o ibon.
PÁIN

2. Pagsuri sa tibay o rupok ng itlog ng manok sa pamamagitan ng pagkanti nito sa ngiping pangharap, ang tunog na halos pamantingin, ay matibay, ngunit kung bahaw, ay marupok.

3. Kalansing ng mga bagay tulad ng metal, pinggan, atbp.

ka•tí

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Varyant
ngatí
Kahulugan

Pakiramdam sa katawan ng tao o ng hayop na nag-uudyok na kamutin o ikiskis ang katawan.

Paglalapi
  • • pagkatí, pangangatí: Pangngalan
  • • kumatí, mangatí, pakatihín: Pandiwa
  • • makatí: Pang-uri
Idyoma
  • makatí ang dilà
    ➞ Dalahira, madaldal.
  • makatí ang kamáy
    ➞ Mapagkuha ng hindi niya pagmamay-ari.
  • kumatí ang katawán
    ➞ Hindi mapalagay; kung ano ang maisip.

ká•ti

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagbabà ng tubig sa dagat.
LOW TIDE, OYÒ, UNÁS

2. HEOGRAPIYA Tuyong lupa.
KATÍHAN

Paglalapi
  • • katíhan, pagkáti: Pangngalan
  • • kumáti: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?