KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pá•in

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Anumang inilalagay na panghúli upang maakit ang hinuhúli; ang ikinakabit na pagkain sa tagâ o kawil upang lumapit ang isdâ.

2. Anumang bagay na ginagamit na panlinlang.

Paglalapi
  • • ipamáin, ipáin, paínan: Pandiwa
Idyoma
  • kumagát sa páin
    ➞ Naniwala sa mga sinasabing panlilinlang; naloko.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.