KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hu•lág•way

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
húlad+dágway
Pinagmulang Wika
Sebwáno
Kahulugan

1. LITERATURA Pagsasalarawan ng panukalang kaisipan o damdámin sa isang akda; o ang larawang ikinintal, lalo na sa tula; o ang larawan bílang talinghaga.
IMÁHEN

2. Reproduksiyon o panggagaya ng isang tao o bagay.

3. Larawan sa isip ng isang wala o nása malayò.
IMAHINASYÓN, LARÁWANG-DIWÀ

4. Isang popular na pagkakilála sa isang tao, produkto, o institusyon na pinalaganap sa pamamagitan ng mass media.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.