KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hin•tô

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Kalagayan ng isang tao, bagay, atbp. na hindi kumikilos o gumagalaw.
Naging matagal ang hintô ng lahat ng sasakyán dahil sa trapiko.
PÁRA, HIMPÍL, TÍGIL

Paglalapi
  • • paghintô, pagkahintô : Pangngalan
  • • hinintô, hintuán, hintuín, humintô, ihintô, ipahintô, ipinahintô, maghintô, pahintuín: Pandiwa
  • • pahintô-hintô, pinahintô: Pang-uri

hin•tô

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Nakatigil o hindi kumikilos na tao o bagay na gumagalaw.
Pansamantalang hintô muna sa gilid ng kalsada ang mga táong naglalakad dahil sa biglang bugso ng malakas na ulan.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.