KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pá•ra

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
parar
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

Pagpapahinto sa isang sasakyán lalo na kung sasakay o bababâ.

Paglalapi
  • • pagpára, parahán: Pangngalan
  • • ipára, paparáhin, paráhan, paráhin, pinaráhan, pumára: Pandiwa

pá•ra

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Ilokáno
Kahulugan

Bilóg na lamáng tumubò sa loob ng niyog; ubod ng niyog.

pá•ra

Bahagi ng Pananalita
Pang-abay
Pinagmulang Salita
comparar
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

Tíla, karaniwang nangangailangan ng pang-angkop.
Pára siyang umiiyak.
PÁRANG

Paglalapi
  • • kapára: Pang-uri

pá•ra

Bahagi ng Pananalita
Pangatnig
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

Tingnan ang úpang

pá•ra

Bahagi ng Pananalita
Pang-ukol
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

Nauukol, sinusundan ng “sa” o “kay.”
Pára sa kaniya ang regalo ko.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?