KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

há•yag

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagsasabi o pagpapabatid sa iba ng anumang iniisip o nararamdaman.
PAGTATAPÁT

2. Tingnan ang pagbubunyág

Paglalapi
  • • mámamahayág, pagpápaháyag, paháyag, pamaháyag, páhayagán, pámahayagán: Pangngalan
  • • iháyag, ipaháyag, magháyag, magpaháyag, maipahaháyag, pagpahayagán : Pandiwa
  • • hayágan : Pang-abay

ha•yág

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Nakalantad; alam ng lahat o ng marami.
Hayág na sa lahat na ikakasal siya.
BUKÁS, BUNYÁG, LANTÁD, LANTÁRAN, LITÁW, PAGBUBUNYÁG, SIWÁLAT

Paglalapi
  • • paghahayág : Pangngalan
  • • humayág, mahayág, mamaháyag, pagpahayagán : Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?