KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bu•kás na tá•la•ka•yán

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
bukás+talákay
Kahulugan

Talakayan na maaaring lahukan ng sinuman (lalo na upang magbahagi ng kuro).
ÓPEN FÓRUM

bú•kas

Bahagi ng Pananalita
Pang-abay
Kahulugan

Sa araw na kasunod ng kasalukuyan.

Paglalapi
  • • kinábukásan: Pang-abay

bu•kás

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Walang takip.

2. May anyong nagpapahintulot ng pagdaan.

3. Para sa lahat.

4. Bakante (kung sa posisyon ng trabaho).

5. Hindi pa napagpasiyahan (kung sa isang usapin).

6. Kasalukuyang pinagagana (kung sa isang mekanismo o aparato).

Paglalapi
  • • pambukás: Pangngalan
  • • mabuksán, magbukás: Pandiwa
  • • nakabukás: Pang-uri
Idyoma
  • bukás-ísip
    ➞ Malawak ang pang-unawa.
  • bukás na aklát
    ➞ Hayag o alam ng lahat.
    Ang búhay ko ay isang bukás na aklát sa lahat.
  • bukás-pálad
    ➞ Palabigay.
    Bukás-pálad si Rosa Rosal sa mga nangangailangang kababayan.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?