KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

han•dâ

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Iba’t ibang pagkaing inilaan sa mga panauhin.
Sari-sari ang handâ niya sa kaarawan ng kanilang patronang si Birheng Maria.
PAGKÁIN, HÁIN

2. Anumang bagay na iniuukol sa hinaharap.
Pinag-iipunan na ng magkasintahan ang handâ sa kanilang kasal.
LAÁN, ÚKOL, PRÉPARASYÓN, PREPARÁDO

3. Pagiging maulinig o nakalaan sa anumang mangyayari.

Paglalapi
  • • handáan, kahandaán, paghahandâ, pinaghandaán: Pangngalan
  • • handaán, hinandâ, humandâ, ihandâ, ipaghandâ, maghandâ, paghandaán, paghandaín, pahandaín : Pandiwa
  • • mapaghandâ, nakahandâ: Pang-uri

han•dâ

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Ginawa para sa isang tiyak na paggamit o pagsasaalang-alang.

2. Nása panahon na maaari o angkop nang gamítin para sa isang gawain.
DISPUWÉSTO

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Mulang mga babaylán hanggang mga bayani ng kasalukuyang panahon, ipinagdiriwang natin ang mga ambag ng kababaihan sa ating kasaysayan at lipunan. Maligayang Buwan ng Kababaihan sa lahat!