KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

há•in

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagkaing nakahandâ na sa mesa.
Ang háin sa mesa ay pára sa mga bagong datíng na bisita.

2. Paghahandâ ng pagkain sa hapag o mesa.
Ilang sandali na lámang at maaari nang kainin ang háin sa dúlang ng bagong kasal.

Paglalapi
  • • paghaháin: Pangngalan
  • • haínan, hinaínan, hináin, iháin, ipaháin, magháin, magpaháin: Pandiwa
Idyoma
  • haínan at pag-urúngan
    ➞ Ikinakapit sa mga táong tamad at walang ginagawa kundi kumain at matulog sa buong maghapon.
    Napipintasan si Lelia ng kaniyang biyenan dahil sa haínan at pag-urúngan siyáng párang reyna.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Mulang mga babaylán hanggang mga bayani ng kasalukuyang panahon, ipinagdiriwang natin ang mga ambag ng kababaihan sa ating kasaysayan at lipunan. Maligayang Buwan ng Kababaihan sa lahat!