KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ha•ling•híng

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Huni ng kabayong karaniwan ay malakas at matinis.
Nagulat ang lahat sa halinghíng ng kabayong nasaktan.

2. Daíng ng maysakit, lalo na ng isang nangangaligkig sa matinding ginaw.
Lumalakas ang halinghíng ng maysakit dahil sa hirap na nadarama.
HALUYHÓY, PANAGHÓY, TAGHÓY

3. Mahinang ungol na tandâ ng kaligayahan sa pakikipagtatalik.

Paglalapi
  • • humalinghíng : Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?