KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

tag•hóy

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Malakas na pagdaing (lalo kung nasasaktan o nagdadalamhati).
HALUYHÓY, TÁNGIS, IYÁK, LAMENTASYÓN

Paglalapi
  • • pagtataghúyan, panaghóy, panaghúyan, pananaghóy: Pangngalan
  • • itaghóy, managhóy, tumaghóy: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.