KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ha•gal•hál

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
halhál
Kahulugan

1. Biglang pagbulalas ng tawa; malakas na tawa.
Dinig hanggang kapitbahay ang hagalhál ng aking mga panauhin.
HALAKHÁK, HAGALPÁK

2. Malakas na tunog ng pagbagsák ng tubig mula sa itaas.
Nakahahalinang pakinggan ang hagalhál ng tubig sa talon ng Pagsanjan.
LAGASLÁS

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Mulang mga babaylán hanggang mga bayani ng kasalukuyang panahon, ipinagdiriwang natin ang mga ambag ng kababaihan sa ating kasaysayan at lipunan. Maligayang Buwan ng Kababaihan sa lahat!